Ang nagmamahal na presyo ng bigas among other things

Nung isang gabing pauwi ako, ocho pesos ang binigay kong bayad sa manong drayber. Lumipas ang ilang minuto at di niya ako binigyan ng sukli. Hinintay kong suklian niya ako. Tas may nagbayad ng bente para sa dalawa, at sinuklian kagad ni manong drayber. So nagsalita na ako, “Manong ‘yung sukli nung ocho.” Medyo may kalakasan kasi nakaupo ako sa may estribo kaya dulo sa dulo ang linya ng komunikasyon. NR lang siya. Nagsalita ulit ako. Siguro naka-tatlong sabi ako. Di siya nag-reply kahit kelan. Tas at last nagsukli siya-piso. Sinuklian niya ako ng piso.

Ayokong-ayokong nagbabayad sa dyip ng ocho pesos. Hangga’t maari sana saktong seven-fifty, o kung ‘di ay buong sampung pisong barya, o ‘di kaya bente. Ilang beses ko na talagang nararanasan na hindi nagsusukli ang mga dyipni drayber kapag nagbabayad ako ng ocho pesos. Para bagang akala nila, isa akong haciendero na minamata’t pinagtatawanan na lang ang eksistensiya ng singkuwenta sentimos at ginagawan nila ako ng pabor at inaalala lang ang aking kapakanan sa di pagpapabigat sa kartamoneda ko na maaring magpalaylay sa puwitan ng aking pantalon kapag kinargahan ng barya. Pero ‘di ba baga’t kung ang inyong abang likod ay isang mapalad na haciendero, pipiliin pa ba niyang sumakay sa isang sasakyang pampubliko? At higit sa lahat, kung ako’y isang mayaman na may-ari ng malalawak na pastulan, bakit ako mayroong ocho pesos?

Bakit ba ang hirap-hirap magsukli ng mga drayber ng mga pampublikong sasakyan? Mapa-dyip o taxi, parehong nang-iismid pag dating sa suklian ng barya. Hinighlight ko ang karanasan ko sa dyip dahil bihira na ako sumakay ng taxi ngayon, pero alam naman nating lahat ang asal ng mga taxi drayber sa pagsusukli ng barya, o ‘di pagsusukli ng barya for that matter.

Nakakainis lang makaenkuwentro ang mga ganitong pangyayari lalo na sa mga panahong ngayon na ang daming nagsusulputang krisis na kung anoano. Sa bahay, ilang beses ko na narinig magreklamo si nanay tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga pamilihin sa palengke, lalo na ang bigas at karne.

Kaya dapat talaga matuto na tayong pahalagahan ang kahalagahan ng pera. Madalas kong marinig ang quotation na “Money is the root of all evil.” Actually, inaccurate ang quotation na ito, na hango pa man din sa Bibliya. Ang tamang quotation, nasusulat sa 1 Timothy 6:10 ng Bible, ay “For the love of money is the root of all evil.” At actually, magkaiba pa yung translation, dahil sa New International Version, ang nasusulat ay hindi “the root,” tulad ng sa King James Translation, kundi “a root of all evil.” Isang malaking distinction yun kung tutuusin.

Kaya dapat na talaga natin ngayon pag-isipan ang pera. Pagtuunan ito ng pansin, pahalagahan ang bawat sentimo, at mag-impok. Di naman kailangang maging miserable ang inyong pamumuhay at mag-damit basahan at kumain ng dahon, sapat ng yung i-budget at maglaan ng tama at mamuhay ng sapat.

Ayon kay Don, na isang tagos sa butong advocate ng pagtitipid, nabasa raw niya kay Colayco na mahina raw ang kultura ng pagtitipid. True. Sabi ng ilan “We are a third world country pretending to be first.” Medyo true.

Magtipid, ikaw nga ni Don, Colayco, at ng nanay ko.

Bakit ba may krisis, o napipintong krisis sa bigas?

Sa domestic level, pinapakita lang nito na olats talaga ang ating gobyerno. Wala silang naimplementang maayos na programa ng irigasyon at land distribution among other things. Malupit pa, dinispalko ang perang nakalaan para sa fertilizer sa mga magsasaka at ginamit sa kung saan-saan, eleksiyon daw sabi eh.

Pero sa pandaigdigang kalakalan, salasalabat ang dahilan. Isa na dito ang paglilimita ng dating mga net exporter ng bigas, tulad ng Tsina, Vietnam at India ng page-export ng kanilang bigas at ilang produkto pang-agrikulutra dahilan sa paglobo ng kanilang populasyon na sumasabay sa pagunlad ng kanilang middle class. Isa pang malaking dahilan ay ang tumataas na demand sa biofuels dahilan ng climate change issue na nagtutulak sa ilang na i-convert ang kanilang lupain na pinapatubuan ng bigas etc sa mais soybeans etc. Lalo pang nakakaakit gawin to dahil marami ng gobyerno, tulad ng US, ang nagbibigay ng malalaking subsidy sa production ng biofuels. In short, bumaba talaga ang supply ng bigasa sa pandaigdigang merkado.

Isama pa dito ang pagtaas ng presyo ng langis, at ang kumakalat na credit crisis ng Amerika at talagang may panganib na nag-aamba lalo na sa mga marurupok na bansa, tulad ng Pilipinas.

Di nga ba’t nakakapagtaka na isa sa malaking assurances ng administrasyon na walang magaganap na krisis sa bigas ay isang pangako ng pagsupply ng bigas mula sa Vietnam, isang bansang sinalanta sa loob ng halos dalawang dekada ng matinding giyera, isang giyera kung saan dinefoliate ng America ang malalaking bahagi ng lupa ng Vietnam sa page-Agent Orange nito among other methods, isang giyerang nangyari lamang nung ’60 gang kalagitnaan ng ’70s.

On another note, isa na akong disipilo ni Joboy sa panonood ng Jdorama. Salamat Jobs.

Ok. Yun lang muna. Magra-Ramen muna ‘ko.

5 thoughts on “Ang nagmamahal na presyo ng bigas among other things

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s