Pangatlong isyu ng Kanto mabibili na

Makakabili na kayo ng Kanto sa halagang P30 sa:
1. F*ART Gallery sa Kamuning, Quezon City
2. Bukswagen Experiments sa Circle C sa West Avenue
3. Bound Bookstore sa Scout Castor, Tomas Morato
4. Puwede rin kayo makipag-meeet samin kung di niyo alam yung 1,2,3. Puwede kami sa Cubao, Makati, Laguna, Marikina, o Cainta. Email lang kayo sa kantonista (at) gmail (dot) com

Trenta lang naman mga kaibigan at sulit na sulit yan. Dugo’t pawis ang puhunan diyan. (Dinugo talaga kami dahil sumasabit minsan yung alambre ng staple wire sa dalire eh,masakit din mga pre) Tska huling print edition na namin to. (Bagaman pinaplano pa rin naman namin maglabas ng print copies pag naka-ipon, pero tska na yun.) Mago-online na kami. Siguro mga bago mag April, mayroon na kanto blog. Sa mga gusto mag-contribute, bukas din kami. Email niyo lang kami. Sa mga pambungad na article, gagawa kami ng ilang pagmumuni sa estado ng popular na kultura dito sa pinas. Kung may naiisip kayong mga puwedeng sulatin tungkol dun, email niyo lang samin. O kaya kahit anong naiisip niyong article, kahit medyo kalokohan o katarantaduhan, ayos yan. Sabi nga ng sikat na playwright na si George Bernard Shaw “lahat ng malalaking katotohanan, nagsisimula bilang kakupalan.”

O, break muna kayo. Basa muna kayo ng kanto.

4 thoughts on “Pangatlong isyu ng Kanto mabibili na

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s