Carlene Aguilar napagtantong kamag-anak ni Gloc 9

Taena, natatanga pa rin ako sa multiply. Gusto ko magupload ng pichur pero natatanga/natatamad/natatabunan ako ng trabaho. (In English, as per request of Burmese colleague Nai Nai: I’ll upload Bangkok photos very soon :P)

Anyway, I’ve tried making another blog in wordpress kase medyo nakakabaog na yung hitsura nitong blog na to. Siyempre, di ko rin napanindigan. Hehe. Eto siya, okay na san yung hitsura kaso di pala puwede maglagay ng shoutbox at parang mas nakakatanga yung pagkalikot sa kaniya.

Pucha, nakakauta yung Showbiz Central nung Linggo. Biruin niyong yung mamang nagngangalan na Dennis Trillo, na lamang lang naman ng isang paligo sa inyong abang lingkod, e pinagaawayan ng dalawang babaeng isang batalyong trak ang pinanghakot nung gabing nagsaboy ng kagandahan ang Maykapal. Biruin niyong pinagigitnian si Mr Dennis Trillo (takte sino ba kase yang damuhong yan) ni Ms Carlene Aguilar at ni Ms Cristine Reyes. Love triangle daw kuno, (di ba puwedeng square para sali ako).

Yung eksena e sa taping daw ng All Star K e biglang umentrada si Ms Aguilar at lumapit kay Ms Reyes at binulungan ng kung ano. Di sinabi ni Ms Reyes kung ano yung binulong ni Ms. Aguilar pero ang umiikot na chismis eh eto raw ang kaniyang binulong:

“Hindi ka mahal ni Dennis. Physical lang ang habol niya sayo.”

Mukhang kapani-paniwala naman kasi balibalita naman talagang di pa nakakaget-over tong si Ms Aguilar sa bakulaw na si Trillo. Kaso e parang wala pang dalawang segundo yung duration nung bulong niya kay Ms. Reyes kaya parang ang hirap paniwalaan. Sa totoo lang sinubukan ko sabihin yung phrase na yun sa loob ng dalawang segundo kaya lang talagang nabubulol ako. Sige subukan niyo, tignan niyo kung makakaya niyo. Kaya ako, unless na totoo yung balibalita dati na malayong kamag-anak ni Ms. Aguilar si GLoc-9, alam ko na hindi yun yung binulong niya.

Nung una naisip ko baka “Avade Kedavra,” kase parang napabalita dati na mahilig daw sa Harry Potter si Ms. Aguilar at Ms. Reyes. (Sabi nga kaya raw nila nagustuhan si Ms. este Mr. Trillo ay dahil kamukha daw niya ang bidang si Harry Potter.) Naisip ko to kasi malupit talagang spell ang “Avada Kedavra” (di ba’t isa ito sa tatlong matitinding Unforgivable Curse) kaya’t natural lang na mangilid ang luha ni Ms. Reyes kung sakaling eto nga ang ibulong ni Ms. Aguilar sa kaniya. Kaya lang tanda ko dati tinext ako ni Ms. Aguilar at Ms. Reyes nung araw na binunyag ni JK Rowling na may tikwas nga talaga ang hinliliit ni Dumbledore. Sabi nila ayaw na nila pareho ng Harry Potter simula noon. Kaya out of the equation na ang “Avada Kedavra.”
Naisip ko puwede ring “Ang dami mong kuto lola,” kase nakaupo noon si Ms. Reyes at nakatalikod sa nakatayong si Carlene kaya’t nasa marapat na vantage point si Carlene para makapagconduct ng mabilisang assessment ng anit ni Cristine. Posible kaseng magkakuto si Cristine since kasama siya sa Marimar at nakahalubilo niya si Fulgoso. Kaso parang nung naging Bella Aldama na si Marimar mas nabawasan yung possibility na magkapulgas nga si Fulgoso.
Anyway, ang pinaka-probable theory ko involves food. Mukhang wala kasi sa sarili si Carlene nung mga panahong yun at posibleng hindi lang siya consumed ng pag-ibig sakin este kay mr. Trillo kundi ng pagkagutom din. Parang sobrang nag-iinit siya, kulang na lang itirik niya mga mata at i-humpak niya yung mga pisngi niya puwede na niya maging kamukha si Guingona pagkatapos i-water cannon sa rally. Tingin ko isang salita lang yung binulong ni Carlene kay Cristine:


Hat tip to Mr. Norman Mailer who just passed away last Sat, Nov. 10. I’ve first encountered him when I bought “Cannibals and Christians” nung college. Di ko masyado na-appreciate kasi parang sobrang writer-eccentric nung mga essays at metaphysical nung mga propositions. Parang masyadong cocky yung impression ko sa kaniya noon, parang yung mga maaastang creative writer na kapwa creative writer lang nakakaintindi nung gawa, hehe. Later on ko lang nadigest mga pinagsasabi niya. Malalim pala talaga. May natandaan akong passage dun sa “Cannibals and Christians” kung san napakita niyang talagang seryoso siya sa pagsusulat. Nakalimutan ko na yung eksakto pero basta yung point e trip niyang makapagsulat at every possible mood na mayroon siya, pagod, eksayted, takot, gutom, inaantok, etc etc. Basta parang ang ganda nung pagkakasabi niya eh. Unfortunately nakalimutan ko na yung exact quote, hehe. Sa kaniya ko rin nadiskubre ang nobel ni William Borroughs na Naked Lunch na sobrang sagad sa kabastusan at kawirduhan, sobrang praning.

Speaking of mga praning na writers, nabasa ko pala yung bagong libro ni Norman Wilwayco na Responde. Malupit pa rin, bastos at nakakatawa, kuhang kuha pa rin niya yung perspektibo mula sa sa ilalim, tagos pa rin at lumulundag sa papel yung mga tauhan sa mga storya. Pero mas trip ko pa rin yung Mondomanila. Mas may sipa sa akin yun nung nabasa ko. Hindi ko na talaga malilimutan si Tony, yung main character, at ang kakupalan niya.

Anak ng tiyanak, nakita ko muna sa Datelines yung Responde ng 200. Siyempre natuwa ako, binili ko. Takte, paglabas ko ng Datelines, nakita ko sa tiyange dun sa Cubao X sa tapat lang halos ng Datelines putek, pinagbebenta, 150 lang! Sayang ang sinkuwenta ko. Actually, sinubukan ko pang bawiin yung pera ko sa datelines. Sinabi ko kay ate tindera na naubusan ako ng pera kasi pinang-inom namin ng mga kasama kong kaibigan sa mogwai, at kung puwede ba mabawi yung 200 ko kasi wala na ako pera pauwi sa bahay, (takte, yun talaga ang pathetic.) Pero subok lang naman, malay niyo, singkuwenta rin yun, isang singkuwenta pa ulit at quarter pounder na yun sa Mc Do. Kaso di umubra eh, bawal daw yun, wehehehe. Semplang yung retrieval operation ko.

5 thoughts on “Carlene Aguilar napagtantong kamag-anak ni Gloc 9

  1. Huwaw. Affected na affected. Sabagay sabi sa akin ni Christine over coffee, na na-hurt raw siya talaga sa sinabi ni Carlene. Out of courtesy, pinabayaan ko na lang shang umiyak sa balikat ko. Kawawa naman e.

    As for your theories, I think ang panalo pa rin ay ang connection ni Carlene kay Gloc 9. Di naman kasi ako makapaniwala na jampong lang ang sasabihin niya. Kasi, bakit iiyak si Christine kung ang sasabihin ni Carlene jampong, di ba? Unless naanghangan sha don (which most likely jampong is) at naalala niya, then it becomes feasible.

  2. Pre, halatang nag-overnight ka dito sa comment mo, wala ka sa sarili at halatang kulang ka pa sa tulog, gising ka muna sa panaginip mo.

    Tingin ko jampong pre, tinawagan kase ako ni Carlene nung araw na yun at niyaya niya ako na “magjampungan” daw kami. busy ako kaya di ko siya napagbigyan kaya yun, hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s