seryosong tula

Gagawa ako ng tulang malupit
Kahit ako’y amoy anghit.
Wala akong pakialam
Kahit hininga ko’y amoy panis na ulam.

Masaya ang araw kapag may tula.
Para kang may alagang tuta.
Kailangan lang dapat laging bagong ligo
Para hindi siya maging mabaho.

Maganda ang umaga kapag may tulang malupit.
Parang basang utot na humahagupit
Parang mantikang sumasagitsit
Ang sarap ng feeling, I can feel it.

O kay saya sa mundo ng mga letra.
Sulat lang nang sulat, para kang tanga.
Eh ano kung magmukha kang gago,
Sabihin mo na lang, “postmodern ako.”

3 thoughts on “seryosong tula

  1. sa simula ako’y para bagang nagulumihanan. Pagkalisan ng mangilan-ngilang buntunghininga, napagnilay ko hanggang sa aking naarok ang mga kaibuturang palapag ng matalinhagang mga parirala na iyong pinagkawing upang makabuo nitong obra maestra.

    isa itong tampok sa larangan ng panitikan at sining. nararapat itong i-ukit sa marmol! o di kaya sa noo ni kc montero.

    mainam at ito’y iyong naisipang ikatha. nakakapukaw damdamin.

    ginto.

  2. isang seryosong pasasalamat sa iyong mga taos puso at seryosong papuri sa aking seryosong obra, obrang sampung taon kong pinagbuntis sa aking haraya.
    seryosong pasasalamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s