Archive for May, 2007

seryosong imbestigasyon

May 29, 2007

Coolness.
“A senior Polish official has ordered psychologists to investigate whether the Teletubbies promotes a homosexual lifestyle.” Badingdong daw si TinkyWinky, hehehe. Parang retarded naman kasi talaga yung buong palabas. Parang walang saysay yung show, lalo na yung mga pinagagagawa nung mga teletubbies na may telebisyon sa tiyan. Parang adik lang yung gumawa. Kaya mas patok pa rin talaga ang Sitsiritsit Alibangbang.

Pero nakakatawa yung BBC report, lalo tong mga part na ‘to.

The spokesperson for children’s rights in Poland, Ewa Sowinska, singled out Tinky Winky, the purple character with a triangular aerial on his head.

“I noticed he was carrying a woman’s handbag,” she told a magazine. “At first, I didn’t realise he was a boy.”

One radio station asked its listeners to vote for the most suspicious children’s show. Some e-mailed in, saying that Winnie the Pooh had only male friends.


Parang mga adik lang.

democracy is no spectator sport

May 15, 2007

Two, confessions. One: I did not vote. Two: I regret it.

Sayang. Now I’m going to make sure that on May 15, 2010 I’m going to have a dirty finger to raise. Of course I’m not saying that my one single teenie weenie itsy bitsy vote would matter much in the mathemetical aggregate of my wouuld be candidates, but of course that’s not the issue. But to be honest, that has been an issue for me, the quantitative irrelevance of my vote in the final count. I remember one time, maybe in my early years in college, I was listening to NU, (I was a fanatic listener then), and it was Papa Dom’s Dread at the Control. I remember him saying, in his deadpan graveyard tone, that he never did cast a single ballot in his entire lifetime, and he never will. He was abstaining because he does not believe in the system. Well of course I imitated him. Astig eh. Papa Dom yun mehn. Siyempre tanga, gaya-gaya na lang.

Tae, mali pala. Kailangan at importante palang bumoto. Siyempre di lang epiphanic intervention yun, naapreciate ko yung importansiya ng boto sa pagtutok sa mga pangyayari sa mga paligid. Apathetic kasi ako dati, walang pakialam. Yun yun eh. Mahirap kasing magets ang importansiya ng isang boto kung walang konteksto sa mga pangyayari.

Hmmm. Maybe you couldn’t blame people for being apathetic. It’s hard to love our government, and as they say, indifference is the opposite of love, not hate, hence the prevailing apathy. But I think the fact that our country is so messed up should give us more reason to vote, to participate, to be actually involved. Sabi nga ni Wolverine sa X-Men 1, “The whole world’s going to hell, you gonna just sit there?”

I think that the sweeping disenchantment of many Filipinos towards elections is also symptomatic of the historical shorsightedness that has long been diagnosed to us Filipinos. Bunga rin siya ng kakulangan sa historical value ng suffrage. Dami na rin kasi namatay para lang makaboto tayo, at hassle naman kung di natin gagamitin yung pribelihiyong ‘yun. At isa pa, sigurado ako maraming taong mula sa ibang bansa na more than willing na makipagpalit ng puwesto satin para lang maexperience makaboto. Yung mga bansang di kelan man nakatikim ng demokrasya, yung mga di pinapayagan magsalita yung mga tao, yung mga pinapatay en masse ang mga komunidad pag natripan lang nung mga pangulo. Marami yun. Nandiyan ang North Korea ng hibang na si Kim Jong Il kung saan naroon ang pinakamalalang rekord ng human rights sa mundo. Puwede rin siguro yung mga bansa sa Africa, gaya ng Sudan, Gambia, Zimbabwe kung saan kung hindi nauubos sa mga patayan yung mga tao, sa sakit naman sila tumutumba. Point is, okay pa rin naman ang Pinas. Kahit na kupal kadalasan yung mga may kapangyarihan, may mga bagay pa rin tayong dapat pagsalamatan. Isa dun siyempre yung pribelehiyo ng pagboto.

Of courseness, this country is messed up. Many people are whining, but would our country be any better by our non-participation in the electoral process? To say that our vote is an insignificant drop in the bucket is entirely missing the point. It’s a grossly myopic perspective that will get us nowhere. Sabi nga ni Don, It’s better to light a candle than curse the darkness. Of course a single vote would not matter much in the final tally, that’s impossible (almost). But that’s democracy, and last time I checked, that’s our government. A government where the majority rules, (or sort of. hehe) And that’s something we should be thankful for.

Isang bagay pa. Bakit maraming pinapatay na peryodista? Siyempre maraming rason dun. Pero isa na dun eh pag may nakakabangga silang mga bigtime politikong kumag. Isa sa mga tungkulin ng mga peryodista ang bigyan kaalaman ang taumbayan sa samu’t-saring mga pangyayari para in turn, makagawa ng mas makabuluhang desisyon ang madlang pipol. Siyempre importante ang isang malayang pamamahayag sa demokrasya kasi kung wala nun, pano ka pa boboto ng may saysay, ng tama? At yung mga napatay sa mga peryodista, ilan sa kanila napatay habang ginagawa yung responsibilidad nilang yun. Ngayon, kung pag wawalang bahala natin ang isang boto natin, di ba pagsasawalang-bahala rin yun sa mga dugo’t pawis na nilaan nung mga peryodistang yun? Parang nawalang saysay ang sakripisyo nila.

Ayun, maraming repurcussions ang pagboto. Di lang din naman kasi siya parang manna sa old testament na biglang bumagsak sa mesa para kainin. Bunga rin siya ng mahabang taon na pagsisikap ng mga ating minamahal na ninuno.

Our one single vote may not bring a deus ex machina that would fix in old bold stroke our fucked-up country, or be the sword that would slice through the Gordian Knot, that’s asking too much and criminally messianic. But it’s just like in EDSA 1. I don’t think that people around that time were concerned of the numerical significance of their presence in the demonstration. They just went there because it was a duty and the right thing to do. They were all faced with a choice then, and they chose. Should we wait yet again for another dictatorship that would claim the lives of many just to know the value of participation?

May 6, 2007

Nung isang araw

Nung isang araw diyan sa may kanto, binaril sa ulo ‘yung mamang reporter. Sa radyo? Sa diyaryo? Sa TV? Di ko na matandaan kung saang reporter siya, basta binaril siya. Nung isang araw lang. Di ko tanda kung anong petsa. Basta binaril siya nung isang araw.
Tatlong putok ‘yung narinig namin. Tatlong putok ‘yung tumapos sa kaniya. Hindi. Hindi naman mabilis. Parang may ilang segundong pagitan ‘yung mga putok. Siguro pinagmamasdan muna nung pumatay ‘yung mamang reporter. Siguro, sa pagitan ng bawat kalabit sa gatilyo, sumusubo siya nung pulutang natira sa mesa. Siguro shumashat din siya ng serbesa. Nagtakbuhan daw kagad ‘yung mga kainuman nung mamang reporter pagkatapos pakawalan ‘yung unang putok. ‘Yung sari-sari store na pinagbilhan nung mamang reporter tska nung mga kasama niya ng maiinom, sumara kagad ‘yung bintana tas namatay ‘yung ilaw. Oo, medyo madilim talaga sa lugar na iyun. Pero pagkatapos nung pangyayari, lalo pang dumilim. Pagkarinig nung unang putok, nagsara nga ng ilaw ‘yung tindahan sa tapat nung mga umiinom. Tas sumunod din ‘yung mga katabing bahay. Tas ‘yung katabi pa ulit, tas ‘yung katabi… Dumilim nang dumilim ‘yung lugar sa bawat putok, parang akala mo nga fuse ng kuryente namin ‘yung pinapasabog. Natakot din kasi ‘yung mga tao dun. Magkasabay, magkabilaan, gumapang ‘yung dilim at takot, takot at dilim. Wala namang laban ‘yung mga ‘yun sa baril nung mama. Hindi, mag-isa lang ‘yung pumatay. Parang nakita ko nga rin ‘yun bago ako pumasok ng bahay. Galing din ako dun sa tindahan, bumili ako ng de-lata pang-ulam sa bahay. Naglalakad lang naman siya eh. Normal lang yung suot niya. Naka-polo, maong, tas black shoes. Hindi ko siya kilala. Parang taga-ibang baryo ata, pero ‘di ako pamilyar sa kaniya. Pero sabi nung mga ilang nagtatrabaho sa munisipyo, nakita na raw nila ‘yun dun, sa munisipyo. Ah, siguro mga apat silang umiinom dun kasama ‘yung reporter. Oo kilala ko ‘yung mga kasama nung reporter, alam ko pangalan nila. Ah hindi. Hindi naman kasi taga-rito yun eh. Nagpupunta lang yun dito minsan para magtanong-tanong. Sa ibang bayan pa ata nangagaling ‘yun. ‘Yung mga kainuman niya ‘yun ‘yung palagi niyang pinagtatanungan pag nagpupunta ‘yun dito. ‘Yung isa sa munisipyo nagtatrabaho tas ‘yung dalawa dun sa may planta diyan pumapasok. Medyo matagal na nga rin nung huli kong nakita yung tatlong ‘yun pagkatapos mabaril ‘yung mamang reporter. Ah mayroon naman. Medyo kilala ko pa nga ‘yung humahawak nung kaso. Dati dito nakatira ‘yun pero lumipat na dun sa kapitolyo nung napromote at tumaas yung rango. Nagpunta sila dito nung kinabukasan ng tanghali nun kasama yung dalawa niyang tauhan. May mga kinausap silang ilang pamilya. Nagtanong-tanong din, parang ‘yung ginagawa nung mamang reporter pag minsang nagpupunta siya rito. Nagpunta rin sila siyempre dun sa tindahan tas tinanong-tanong nila ‘yung may-ari. Medyo makapananghali pa nga nun at tirik ang araw kaya nagmeryenda muna sila dun sa tindahan pagkatapos nilang magtanong-tanong. Nandun pa rin, di naman nila itatapon ‘yun kasi di naman sinira nung pumatay. Ginamit pa nga ng mga pulis ‘yung lamesang yun habang nagmemeryenda sila, oo, pinatungan nila ng softdrinks. Itanong mo na lang dun sa police station sa kapitolyo, siya ‘yung hepe dun. Siya nga rin ‘yung humawak nung ibang kaso nung mga namatay na reporter, pero ‘di naman dito ‘yun, sa ibang bayan na ‘yun. Sabi nila mga NPA daw pumatay dun. ‘Yun din sabi ata nung mga pulis, tska sabi NPA din daw yung mga ‘yun, ‘yung mga reporter. Ako ‘di ako alam, ‘di ko naman kilala ‘yung mga ‘yun. Sabi rin nila ‘yung reporter na pinatay dito may mga nakaaway ‘yun sa munisipyo dahil dun sa mga nirereport niya. ‘Di ko alam, basta sabi nila may mga nirereport siya tungkol sa munisipyo, sa mga pulitiko dun. Wala. Wala na. Onti lang sila dito eh. Wala na masyado dumadaang reporter dito tapos nun. Sino pa bang pipiling maging reporter, laging binabaril. Balita ko maliit nga rin suweldo nung mga ‘yun. Wala nang pera, binabaril pa. Ah oo, mayroon pa rin naman, pero puro mga project ni mayor ‘yung nirereport nila tska mga announcement kunyari ng mga liga o fiesta o ‘yung mga bagong tayong kainan sa kapitolyo. Wala na masyado ‘yung gaya nung pinatay, ‘yung nagrereport ng kakaibang storya, yung nagtatanong-tanong. Tska mas mataas din daw kasi suweldo pag mga project ni mayor yung ibabalita. Bali-balita nga na may tinumba na naman daw na gaya niyong mga reporter dun sa kabilang baryo nung isang araw. Tatlong putok din daw. Madilim. Tatlong putok yung tumapos. Walang nakakita. Dumilim. Oo, nung isang araw lang din.

(Para sa lahat ng mga pinatay.)